Just a few weeks til the only time we're only free (figuratively), summer!
Pumunta ako sa isang manghihilot kaninang umaga dahil wala lang. Kasama ko mga kapatid, nanay, pinsan, at tita ko (malaki talaga pamilya namin). Sa totoo lang, sumasakit ang kanang bahagi ng likod ko ( balikat ba yon?) kapag sinestretching ang aking kanang braso. Nung nag swimming ako dun sa Zambales kamakailan lang, ginagawa ko yung freestlye. Nasobrahan lang sa "stroke," bigla na lang tumunog ang likod ko, para bang may naputol na sanga ng puno. Daming beses na nangyari sakin to, para bang nabalian ng buto pero hindi naman tumatagal. Balik sa manghihilod. Kakilala pala siya ng aking pumanaw na lolo, kaya naintidihan kong matanda na siya. Mabait naman ang kanyang pakikitungo sa amin. Natandaan ko tuloy lola ko. Marami ding nagpapatingin don, daming matanda at makulit na bata. Aga pa naman ng gising ko, wala lang. Nakasanayan na. Ayon, naghintay kami ng hindi kumulang na trenta minuto. Halos bumabagsak na ulo ko non eh. Buti na kami na yung sumunod. Ibang klase rin naman yung paraan nang kanyang pagsusuri. Nakasulat yung pangalan namin sa isang papel na may agwat sa bawat pangalan. Ang kanyang "diagnosis" ay simple lang. Tatanugin niya kung sino yung nakasulat. Syempre, nung tinawag yung pangalan ko, tinaas ko kamay ko, tila isang masunuring bata. Tapos non, ginuhitan niya yung spasyo sa ilalim ng pangalan namin ng tuloy-tuloy. Mga scribbles, ovals, parang gumagawa ng penmanship exercise. Habamg ginagawa niya ito, binibigay niya yung kanyang opinyon. Sakin, simple lang. Maysakit yung tiyan ko, umiwas sa bentilador, wag uminom ng malamig. Kaya pala di ako makadumi. Baho pa ng tot-u ko. Aynako! Tapos, ginawa ang aktwal na hilod. Sandali lang, hindi nga umabot ng limang minuto eh. Pero ibang klase rin yun nangyari. Napatunog niya yung likod ko. Iba feeling! Parang jigsaw puzzle na naayos yung likod ko. Kakaiba talaga.
Malas nga lang yung pinsan ko. Di ko alam kung kulam ba yon o ano, pero parang nasabihan siya ng masama ng isang tao, hindi engkanto. Tinapat lang yung bond paper sa mukha niya, nagkaroon ng para bang sillouhette (?) ng mukha ng babae dun sa papel. Meron naman akong nakita, pero di ako sigurado kung yun nga yon. Baka matsa lang. Pero nakita nila eh. So baka meron nga. Yan tuloy, pinabili pa siya ng palayok na may takip sa taas. Meron daw dapat siyang gawin dun sa palayok ng isang linggo tapos kelangan niyang bumalik doon. Hirap nga lang mamy konting pagkalayo sa amin yung lugar.
Di naman ako yung tipon naniniwala kagad sa mga ganitong klase ng gawain. Pero di naman sarado ang aking isipan sa mga ganito. Ang mundo ay marami pa ring mga misteryo na hindi maipaliwanag ng ng siyensya. Kung di man kayo sang-ayon sa mga ganito, bigyan na lang natin sila ng tamang respeto na nararapat.
Whew! Sarap gamitin ang sariling wika. Nakakataba ng puso (at ng dila)!